“PATOK NA DAMIT SA TAG-INIT”
Reyes, Angeline
Bartolome, Czaira
Mercado, Eunice
Chua, Aldrin
Big Panimula :
A. Panukalang pahayag
- Ang pananaliksiksik na ito ay ang pag-alam sa pinaka patok na kasuotan tuwing bakasyon. At sa paanong paraan makatitipid ang mga kabataan sa pagbili at pagpili ng kanilang damit na susuotin tuwing bakasyon. At anu-ano ang mga hakbang na dapat gawin sa pagbili at pagpili ng damit. Kung saan matatagpuan ang mga mura ngunit presentableng mga damit na hindi lamang kaakit-akit sa panlasa ng mga Pilipino gayundin sa mga dayuhan o turista na maaaring bumisita sa ating bansa sa panahon ng tag-init.
B. Introduksyon
- Ang paksang ito ay isang uri ng pananaliksik na kung saan inaalam ng bawat mananaliksik o kasapi kung ano ang patok na kasuotan tuwing araw ng bakasyon, kung saan matatagpuan ng mga kabataan ang mga mura ngunit magagandang kalidad na mga damit, sa paanong paraan sila makatutulong sa kanilang mga magulang na makapag-impok ng pera upang magamit ang mga ito sa mas makatuturan na mga bagay. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga mambabasa kung paano sila makabibili at makapipili ng mga mura ngunit magagandang mga damit sa panahon ng tag-init. Sa paksang ito malalaman ng bawat mambabasa na hindi lahat ng mumurahing mga kasuotan ay mabababa ang kalidad at hindi pangmatagalan. Ang paksang ito ay makatutulong din sa paraan kung paano dapat ang isang kabataan gumamit ng mga damit at sa papaanong paraan nila ito maiingatan upang magamit sa mas mahabang panahon. Ito ay nagbibigay ng sapat na kaalaman sa bawat mambabasa ng
paraan ng pagtitipid sa pagbili at pagtangkilik ng mga damit. Sa ganitong paraan malalaman na ng mamamayan lalo na ng mga kabataan ang wastong pagpili at pagbili ng mga damit. At isa rin ito sa pinakamabisang paraan upang matutong mag-ipon ng pera ang mga kabataan. Kinakailangan nilang malaman kung kailan lamang napapanahon ang pagbili ng kanilang kasuotan. Lalo na ang paksa ay naaayon sa mga kasuotan na ginagamit lamang tuwing bakasyon. Ito ay nagbibigay kaalaman sa mga mambabasa na mahilig bumili ng mga mamahalin na mga damit, lalo na kung madalas na hindi nagagamit gaya ng mga dapat suotin sa panahon ng tag-init. Ito ay makatutulong upang maisip ng mamamayan na hindi sa lahat ng oras kinakailangang bumili ng mamahaling mga damit at kasuotan lalo na kung hindi naman magagamit pang araw-araw.
C. Rebyu / Pag-aaral:
- Ang paksa ay tungkol sa patok na damit sa panahon ng tag-init. Ang mga suliranin ay kung sa paanong paraan mas makakapamili ng magaganda at murang mga kasuotan sa panahong nasabi. Kung saang lugar makabibili ng mga damit na talagang pang masa lalo na sa mga kabataan na hindi madali sa kanila ang mag-impok ng pera, dahil kadalasan sila ay humihingi lamang sa kanilang mga magulang.
D. Layunin
- Layunin ng bawat mananaliksik na maisagawa ang nahanap na datos at impormasyon tungkol sa pag-aaral at maging matagumpay ang pag-aaral na ito para maibahagi na rin sa mga kabataan sa panahon ngayon ang patok na kasuotan tuwing tag-init. Ito rin ay isang uri ng pananaliksik na nagbibigay impormasyon sa mga mambabasa kung sa paanong paraan sila makakatipid sa pagbili ng kanilang kasuotan sa panahon ng tag init. Ang paksang ito ay magbibigay diin ng sapat na kaalaman sa bawat mambabasa lalo na sa mga kabataan kung paano sila makabibili ng mas mura upang magamit nila ang kanilang pera sa maayos na paraan. Nais din ng mga mananaliksik na maikalat o maipabasa ang pag-aaral na ito para maibahagi at maipakita ang usong suotin tuwing tag-init.
E. Halaga
- Ang halaga ng pag-aaral na ito ay upang makabili at makapili ng magandang damit na nasa murang halaga at magandang klase. Ito ay makakatulong sa bawat mamimili sapagkat sa tulong ng pananaliksik na ito ay magiging “in” ang mamimili na hindi gumagastos ng mahal. Maaaring makatulong ang pananaliksik na ito sa mga kabataan dahil matututo silang magtipid lalo na sa panahon ngayon na kailangan ng magbudget dahil sa problemang pampinansyal.
F. Konseptuwal o teoretikal na balangkas
“PATOK NA DAMIT SA
TAG-INIT”
ANU-ANONG URI NG MGA DAMIT ANG DAPAT BILHIN ?
SAAN MATATAGPUAN ANG GANITONG URI NG MGA DAMIT ?
PAANO MAKAPAGTIPID SA PAGBILI NG MGA DAMIT ?
KABATAAN
G. Metodolohiya
- Isinagawa ang pananaliksik sa pamamagitan ng pagmamasid, pag oobserba at sa pamamagitan ng interview at paghingi ng impormasyon sa mga estudyante sa iba’t ibang colleges ng unibersidad ng Santo Tomas. Ito ay naisagawa sa tulong din ng mga ibang taong may sapat na kaalaman sa mga pangyayari sa nasabing panahon.,
- Ang mga materyales na aming ginamit ay ballpen, papel, mga materyales na nagpapatunay na kami ay gumagawa ng nasabing research paper.
H. Saklaw / Deliminasyon
- Ang limitasyon ng nasabing paksa ay hanggang sa mga kabataan lamang na mahilig tumangkilik ng mga damit sa panahon ng tag-init.
- Ito ay sumasaklaw sa halaga at kalidad ng mga binibili at tinatangkilik na mga kasuotan sa panahon ng tag-init. At sa kung saan makabibili ng may magandang kalidad at murang klase ng damit sa panahon ng tag-init.
I. Daloy ng pag-aaral
- Ang pananaliksik ay ang pag-alam sa “ PATOK NA DAMIT SA TAG-INIT”. Pagsagot sa mga suliranin ng nasabing paksa. Tulad ng anung klase/uri ng mga damit ang dapat bilhin at tangkilikin sa nasabing panahon, paghanap sa lugar kung saan mabibili ang mga damit sa mas murang halaga upang makatipid at sa papaanong paraan makapag-iimpok ang isang kabataan upang magamit ang pera sa mas mahahalagang mga bagay. Ito ay makatutulong upang mas malaman ng mga kabataan ang tunay na halaga ng pera sa ating buhay, na dapat matutong magtipid at hindi maging maluho.
- Sa pananaliksik na ito makikita ang BIG PANIMULA- panukalang pahayag tungkol sa nasabing paksa, ang introduksyon na nagbibigay linaw sa paksa at panimulang pagbibigay ng kaalaman tungkol sa paksa., ang rebyu o pag-aaral na nagsisilbing gabay sa paggawa ng nasabing pananaliksik, na kung saan makikita ang mga paraan upang lalong mapalago ng mga negosyante ang kanilang negosyo. Layunin na nagpapahayag ng dahilan kung bakit ganitong uri ng pananaliksik ang napili., Dito makikita ang mga dahilan bakit ang paksang “PATOK NA DAMIT SA TAG-INIT” ang napiling paksa. halaga na naglalahad ng importansya ng nasabing pananaliksik. Dito makikita kung ano ang maitutulong sa pang araw-araw na kabuhayan ng nasabing pananaliksik., Dito malalaman na pag ganitong uri ng negosyo ang isinagawa ng mga negosyante, magiging patok at mabenta ito ng husto sa panahon ng bakasyon, dahil sa hirap ng buhay, ang isang praktikal na tao ay hindi tatangkilik ng ganitong uri ng produkto na hindi naaayon sa panahon. konseptuwal o teoretikal na balangkas na nagpapakita ng dayagram upang mas maintindihan ng mga mambabasa ang paksa ng nasabing pananaliksik., metodolohiya kung saan makikita ang mga hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik., saklaw o deliminasyon na nagpapahayag ng limitasyon o “boundaries” ng nasabing pananaliksik, dito din matatagpuan ang mga paraan kung paano nagawa ang pananaliksik kung ano ang mga materyales na nagamit at kinailangan., daloy ng pag-aaral kung saan makikita ang buod ng bawat kabanata at contents., BIG KATAWAN- Small Panimula kung saan makikita ang introduksyon sa paksa, (ano, sino, kailan, saan, paano at bakit)., Small Katawan kung saan makikita ang presentasyon ng lahat ng datos na nalikom at nakuha., BIG PANGWAKAS- Small panimula at Big katawan kung saan makikita ang mga nakalap na impormasyon na naaayon sa paksa. Ang halaga ng nasabing paksa at pagnenegosyo, ang mga paraan upang mas maisagawa ito ng maayos at naaayon sa tamang panahon at pagkakataon.
II. Big Katawan
- Maituturing din na napakahalaga ng paksang “PATOK NA DAMIT SA TAG-INIT” lalo na sa mga kabataan dahil ito ay lubos na makatutulong upang makapag-ipon ng pera ang mga estudyante ganun din sa mga nagnenegosyo ng mga damit sa panahon ng bakasyon. Sa negosyo hindi pa din maiiwasan ang kompitensya, dahil ang mga negosyante ay hindi basta basta nakukuntento sa perang kanilang kinikita. Karamihan sa kanila higit itong palaguin. Sa kabilang banda may mga negosyante rin na nakukuntento sa kanilang kita. Konklusyon at Rekomendasyon kung saan matatagpuan ang nais ipahayag ng mga nagsagawa ng pananaliksik, tulad ng ang mga negosyante ay kikita ng mas malaki sa panahon ng tag-init kung ganitong uri ng negosyo ang kanilang napili.
III. Big Pangwakas
A. Small Panimula
B. Small Katawan
- Ang mga negosyante ng ganitong klase ng negosyo ay dumarami lamang sa panahon ng tag-init. Hindi ito nawawala, ngunit mas nagiging “IN” ito sa panahon ng tag-init at napakaraming mamimili ang tumatangkilik sa ganung panahon. Para din sa mga negosyanteng pumili ng ganitong uri ng negosyo, dapat nilang siguraduhin ang kalinisan at pagiging organisado ng lugar kung saan sila nagbebenta, upang mas maraming mamimili ang dumayo sa kanilang lugar upang tangkilikin ang kanilang produkto.
C. Konklusyon
- Napag alaman ng mga mananaliksik at mambabasa na ang ganitong uri ng negosyo ay may inaayon na panahon at pagkakataon. At sinasabi rin na ang mga kabataan ang mga pangunahing konsyumer ng ganitong klaseng negosyo. Ito ay tatangkilikin lamang ng karamihan kung ito ay talagang kailangan. Hindi tulad ng isang kabataan na may paghahangad ng bago at modernong klase ng damit sa panahon ng tag-init.
D. Rekomendasyon
- Nais ipahiwatig ng mga mananaliksik na dapat bigyang pansin ng mga negosyante ang mga uri at klase ng damit na kanilang binebenta, na ito ay nagtataglay ng magandang kalidad at nasa halagang pang masa. At dapat din nilang siguraduhin ang kalinisan at kaayusan ng kanilang paninda at ng kanilang lugar kung saan sila ay nagtitinda.
Saturday, February 28, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)